Ni Leandre Bullet Sarte
Associate Editor - Filipino
Hindi nagpakita ng senyales ng panghihina ang Alaska Aces matapos bumalik sa laro pagdating ng ikatlong yugto ng laro kontra Talk and Text Tropang Texters, 104 - 88, kagabi sa kanilang PBA semifinals series Game 1 sa Araneta Coliseum.
Galing sa isang malaubos-kukong laro ang Aces sa Ginebra Kings noong Linggo ngunit sa kabila nito'y hindi nakitaan ng pagkapagod ang koponan ni Tim Cone.
Biglang nag-init ang veteran Alaska forward na si Reynel Hugnatan sa ikatlong kanto at tumapos ng may 16 points sa 7-of-9 field goal shooting.
"We just want to send them a message," ani Hugnatan.
Nagkaroon ng palitan ng puntos ang dalawa buong laro ngunit mas nanaig ang Aces dahil na rin sa double-digit scoring ng limang Alaska players.
Pinamalas ng Aces at ng Tropang Texters ang kani-kanilang team games at halos dikit pagkatapos ng unang tupi ng laro, 26 - 20, para sa Talk N' Text.
Hindi umurong ang dalawa at ipinagpatuloy ang palitan ng lamang pagdating ng ikalawang hati ng laro ngunit lamang pa rin ang Texters, 46 - 42.
Unti-unti namang ibinaon ng Alaska ang Talk N' Text sa fourth quarter sa likod ni Hugnatan upang tuluyan nang manaig, 104 - 88.
Pinangunahan ni Ranidel de Ocampo at Mac Cardona ang Texters nang magsama sa 37 puntos sa kanilang losing effort.
No comments:
Post a Comment