Sigaw ng mga JCAians
'Bakit candy?'Ni Emmanuelle de Leon
News Editor
Patuloy ang panggugulat ng mga taga-Kibbutz sa JCAians nang ipatupad ang isang polisiya kung saan ang pisong sukli mo ay pinapalitan ng isang pirasong candy.
"Bakit candy?" yan ang tanong na bumabagabag sa mga mag-aaral ng JCSGO Christian Academy.
Humingi ng tulong ang ilang mag-aaral sa Supreme Student Government (SSG) at ipinangako naman ng huli na titignan nila kung anong aksyon ang maaaring ibigay sa isyung ito.
"Pag-aaralan namin ito," ani Pangulong Danielle Nakpil. "Magbibigay kami ng mga suhestyon para malunasan ang ganitong problema."
Sa ngayon, kailangan munang magtiis ng JCAians sa kakaibang polisiyang ipinatutupad ng Kibbutz.
"Pwede ko bang ibayad sa jeep ang candy?" hindi-makapinawalang tanong ni Jonas Velez ng IV-Victorious.
Ayon naman kay Gina Dalmao, pinuno ng Kibbutz, ini-export sa ibang bansa ang mga barya kaya nauubusan nila ng piso.
"Talaga lang ah?" sabi ni Junie Peteros, na isa ring senior student.
UPDATE: Pumapayag ang Kibbutz na ipagpalit ang candy sa piso pag gagamiting pambili. Ito ay lubos na ikinatuwa ng mga mag-aaral.
astig! galing ni Imma...
ReplyDelete