Wednesday, July 21, 2010

Opinyon: Bastusan

Bastusan

Nina Darah Charmaine Urbano at Cressa Marie Rodriguez
Managing Editor/Chief Correspondent

"Bastusan, Bastos!"

Ito ang mga karaniwang sinasabi sa atin ng mga guro kapag "binabastos" natin sila. Ngunit, sa tingin mo, sino ba ang tunay na may sala?

May ilang fourth year students na hindi na kumikilala ng awtoridad, naghahari-harian at kung kumilos ay parang pinuno ng paaralan. Oo, hindi kumpleto ang hayskul ng hindi nagiging makulit o pasaway sa mga guro. Pero, wag naman sobra. Sobra sobra hanggang sa point na nakakainis na.

Ang ating mga guro ay tao din. Naiinis, naaasar at napupuno. Lalo na kapag nalaman nilang kung ano ano yung mga sinasabi mo sa likuran nila - lalong lalo na kung wala itong batayan at panay panghuhusga ang ibinibigay nila pag hindi nila naiibigan ang isang bagay.

Tao rin naman tayo. At siguro may batayan rin ang mga ito upang "bastusin" ang isang guro at sabihan nang kung anu-ano, pero responsibilidad ng isang estudyante na irespeto ang mga ito sa abot nang kanilang makakaya.

Kahit naman sino ang tanungin mo ay dapat nating isipin ang na tama ang bagay bago tayo magsalita o magbigay ng suhestyon ukol sa mga bagay-bagay.

Sa iyong tingin, dapat bang bastusin ang mga guro kahit may kamalian ito? Tandaan natin na hindi lahat ng bagay ay naaayon sa gusto niyong mangyari.

Konting isip naman mga kaibigan. Ang estudyante ay estudyante. Ang teacher ay teacher. Wala tayong karapatan magmataas. Ang problema, wala naman kasing binatbat. Wala na ngang sinabi, dumadaldal pa kahit wala namang alam.

Pasensya na po.

1 comment:

  1. napaka strong nung impact ng article pero agree ako... dun sa 5th paragraph parang may mli... pero maiintindihan mo pari ung msg nung writer..

    ReplyDelete