Spotlight: Evelyn Doce
Bagong guro, bagong kaalaman
Ni Kurt Symon Cruz
Correspondent
Marami sa mga gurong ito ay bago lamang sa larangan ng pagtuturo at ang iba naman ay nagsimula sa karampot na klase. Marami sa kanila ay mga bagong gradweyt lang, ngunit ang itatampok natin ngayon ay isang guro na nagsimula sa tutorial center.
Si Bb. Evelyn V. Doce, 42, ang nagtuturo ng Math sa mga mag-aaral ng high school na hindi masyadong bihasa sa nasabing subject.
Hindi maikakaila ng isang prolipiko at mahusay na guro si Doce. Nasabi nating ganito dahil karamihan sa kanyang mga tinuturuan ay aminado sa angking galing niya. Sa ganoong tingin, sa maliit na center lang pala nagsimula si Ma'am.
Siya ay ipinanganak noong Disyembre 3, 1967 sa Batangas City. Ang mga magulang niya ay ang mag-asawang Veancio at Juana, isang bagong magkabiyak na nag-iisip sa kinabukasan ng pamilya. Si Evelyn ay ikalawa sa tatlong magkakapatid.
Bata pa lamang ay di na matatawaran ang galing ni Ma'am. Naging honor student siya sa St. Bridget's College noong elementarya. Inulit niya ang karangalang ito noong sekundarya sa nasabing paaralan.
Kumuha siya ng BS Education sa unang dalawang taon niya sa Batangas State University. Dahil sa hindi niya gaanong napagtagumpayan ang kursong ito, lumipat siya ng BS Electrical Engineering at nagtapos noong 1986.
Humiwalay si Doce sa kanilang pamamahay at pumunta sa San Juan para maging substitute tutor sa isang center dito. Nanatili siya ng dalawang taon matapos makuhang permanent tutor dahil sa husay na ipinakita niya.
Dahil sa gusto pang mapalaganap ang karunungan, nag-apply si Doce sa JCA nitong bakasyon para magturo. Siya ay intasan maging adviser ng III-Mighty ngunit ang isa sa pinakamahalagang toka niya ay ang Challenge Math class.
Isa sa mga bagong inobasyon ng JCA, hinati ang Math sa bawat year upang ang mga marunong na ay mapagaling pa at ang may mga problema ay matutukan ng maigi.
Sa pamumuno ni Bb. Doce, unti-unting nagkakaroon ng interes ang mga estudyante sa Matematika. Naging kasigla-sigla sa mga aktibidades na ginagawa nila at nag-iimprove sila sa klase.
Tunay ngang masasabi natin na huwarang guro itong si Bb. Doce. At sigurado akong marami pa siyang maibabahagi sa mga mag-aaral ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
No comments:
Post a Comment