Thursday, July 29, 2010

News: SAMAKA, mangunguna sa Buwan ng Wika

SAMAKA, mangunguna sa Buwan ng Wika

Ni Cher May Cudilla
Correspondent

Pagtutunggali at pagtatanghal ang magaganap sa buwan ng Agosto sa pangunguna ng SAMAKA Club.

Ayon kina Gng. Chitte Magsaysay at Gng. Marife Jagto, ang mga club moderator ng grupo, magkakaroon sila ng sunud-sunod na programa ukol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

"Ginagawa namin ito para sa paghasa ng talento ng mga mag-aaral sa iba't-ibang larangan at paglabas ng potensyal para sa Filipino at sa Araling Panlipunan naman ay para malaman ang kasaysayan ng mundo," ani Gng. Magsaysay.

Sa unang linggo, magkakaroon ng Quiz Bee. Pag-awit at talumpati naman sa ikalawang linggo habang katutubong sayaw remix ang patimpalak sa ikatlong linggo.

Ang mga magwawagi sa mga nasabing kumpetisyon ay pararangalan sa pagtatapos ng buwan.

No comments:

Post a Comment