Thursday, July 29, 2010

News: Pagbaba ng populasyon

Populasyon ng JCA, bumaba ng 0.3%

Ni Junie Anne Joy Peteros

Patuloy na bumababa ang kabuuang populasyon ng JCA habang umangat naman ng kaunti ang sa High School Department, ayon sa dokumentong inilabas ng JCA Office.

Nabawasan ng 0.3% ang populasyon ng paaralan mula 645 noong nakaraang taon tungo sa 643 ngayon.

Kapansin-pansin naman ang pagkalagas ng 19 mag-aaral mula sa Grade School Department, na ngayon ay 323 na lamang mula sa 341 noong 2009 - 2010.

Ayon kay School Steward Gng. Cynthia Genon, nababahala sila sa pagbaba ng bilang ng estudyante.

Ngunit sa kabila nito, naniniwala pa rin sila na kakayanin ng JCA ang pagsubok na ito.

No comments:

Post a Comment