Tuesday, July 27, 2010

Feature: Nakakahawang Saya


Spotlight: Marbie Estefania
Nakakahawang Saya

Ni Venice Marie Camacho
Photography Editor

Isang masayahing guro na kahit ilang problema pa man ang dumaan ay nanatili pa ring nakangiti.

Sa bawat ngiti na inihahatid ni Bb. Marbie Teope Estefania sa bawat isa, kasiyahan ang hatid na nagbibigay-ligaya sa araw ng mga mag-aaral. Sa murang edad na 23 at sa pangangalaga nina Ricardo at Margie Estefania, isang biyaya ang kanilang natanggap na tunay nilang ipinagmamalaki.

Isa sa kanyang hindi makakalimutang karangalan ni Marbie ay nang makapasa siya sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Setyembre 2008.

Bilang guro, siya ay masayahin at kuntento. Hinahangad niyang maging isang propesyonal at matagumpay na guro sa kolehiyo. At bilang isang paghahanda sa kanyang pangarap, kanya munang isinasalin ang kanyang sarili sa pagtuturo sa hayskul at dito sa JCA siya nahimok upang magturo ng Ingles.

Sa bawat pawis at hirap na dinadanas ng guro sa pagtuturo, hindi pa rin nito nakakalimutang ngumiti na para bang wala itong problemang hinaharap.

Maging masayahin, pasensyoso, at positibo sa mga dinadanas na suliranin sa pagtuturo at manghawa ng ligaya at tuwa, iyan ang gustong gawin ni Ma'am. Tunay ngang isang mahusay na guro si Bb. Marbie dahil sa kanyang walang katapusang ngiti na ipinapataw sa iba.

1 comment:

  1. tunay na magaling na guro si Bb. marbie...
    naipakita ng artice kung ano siya noon at ngayon ang galing...

    ReplyDelete